‘Wala kang alam!’ Cristy, binanatan si Darryl dahil sa ‘The Rapists of Pepsi Paloma’

Posted by

'Wala kang alam!' Cristy, binanatan si Darryl dahil sa 'The Rapists of Pepsi Paloma'
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Now Na (YT), Darryl Yap (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa “The Rapists of Pepsi Paloma”—ang latest movie project ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap.

Sa bagong episode ng “Showbiz Now Na” noong Linggo, Enero 5, sinabi ni Cristy na hindi raw niya suportado ang proyekto ng direktor sa pagkakataong ito bagama’t natutuwa raw siya sa mga atake nito paminsan-minsan.

“Natutuwa ako sa kaniyang mga atake paminsan-minsan. Pero this time, hindi mo ako kasama sa gusto mong palabasin. Ano ang gusto mo, Direk Darryl? Ang wasakin si Bossing Vic Sotto dahil sa tagumpay ng ‘The Kingdom?’” saad ni Cristy.

Dagdag pa niya, “Kahit pa magkababayan kayo sa Olongapo, wala kang alam. Anong sabi ko sa ‘yo? Bakit kailangan mo pa itong gawin? Ano ang iyong layunin?”

 

Unbothered? Darryl Yap, ibinalandra balitang irereklamo siya ni Vic Sotto

 

Ayon kasi sa showbiz columnist, ang paglalatag daw ng kuwento ay may limitasyon. Hindi raw dapat nagsusulat dahil lamang sa personal na kagustuhan.

“Mayro’n tayong tinatawag na respeto sa ating kapuwa. Dapat nando’n pa rin ‘yon. Hindi nawawala,” aniya.

Matatandaang muling umalingawngaw sa bakuran ng social media ang pangalan ni Pepsi nang ianunsiyo ni Yap noong Oktubre 2024 na gagawa raw siya ng pelikula tungkol sa rapists ng nasabing ‘80s sexy star.

Lalo pang pinag-usapan kamakailan ang paparating na pelikula nang mabanggit ang pangalan ni “Eat Bulaga” host Vic Sotto sa inilabas na teaser ni Yap.

News

Ano nga ba ang Nagdala Kay BB Gandanghari Pauwi? Ang Nakakaantig na Dahilan Kung Bakit Siya Bumalik sa Pilipinas Para sa Mahal Niyang Ina

Emotional Homecoming: BB Gandanghari Returns to the Philippines for Mommy Eva Cariño Padilla In a deeply moving turn of events,…

Cristy Fermin May NATUKLASAN sa DEMANDA ni Vic Sotto kay Darryl Yap dahil kay PEPSI PALOMA

Cristy Fermin Uncovers Shocking Details About Vic Sotto’s Alleged Lawsuit Against Darryl Yap Over Pepsi Paloma Controversy Veteran entertainment columnist…

Jinkee Pacquiao, Emosyonal Ng Dalawin Sa Selda Si Manny Pacquiao?

Jinkee Pacquiao, Emosyonal Ng Dalawin Sa Selda Si Manny Pacquiao?     Humaharap ngayon sa matinding pagsubok ang professional boxer…

Kyline Alcantara Nagsalita Na Sa Gusot Nila Ni Sarah Lahbati Ayaw Sa Gumagamit?

Kyline Alcantara Nagsalita Na Sa Gusot Nila Ni Sarah Lahbati Ayaw Sa Gumagamit?   Kasalukuyang mainit ang usapan sa ilang…

Sharon Cuneta Inaming Kahit Isang “Latang Gatas” Para Kay KC Wala Siyang Natanggap

Sharon Cuneta Inaming Kahit Isang “Latang Gatas” Para Kay KC Wala Siyang Natanggap   Sa isang panayam kay Mega Star…

Zanjoe Marudo Di Matanggap Ang Ginawa Sa Anak Nila Ni Ria Atayde

Zanjoe Marudo Di Matanggap Ang Ginawa Sa Anak Nila Ni Ria Atayde Hindi napigilan ni Zanjoe Marudo ang kanyang damdamin…

End of content

No more pages to load

Next page