Barbie Forteza sa paulit-ulit na tanong kung nagseselos ba si Jak Roberto kay David Licauco: “Hindi nga! So, can we stop? Haha!”
-feature.jpg?v=1693569969)
PHOTOS: @barbaraforteza, @jakroberto @davidlicauco on Instagram
Ayon kay Barbie Forteza, hindi raw nakikialam ang boyfriend niyang si Jak Roberto sa trabaho n’ya bilang artista. “Ako, I know what I want. Alam ko kung anong career path ang gusto ko so alam ko kung anong dapat kung gawin. Hindi ko kailangan ng boyfriend para magsabi sa akin kung anong dapat kung gawin,” diin ng aktres.
Mukhang nauumay na ang aktres na si Barbie Forteza sa paulit-ulit na tanong sa kanya kung nagseselos ba ang nobyo n’yang si Jak Roberto sa ka-love team n’ya ngayong si David Licauco.
Ito kasi ang naging tono n’ya, but in a nice and funny way, nang maka-tsikahan n’ya ang entertainment press kahapon, August 31, after ng media conference nila for their upcoming primetime series na Maging Sino Ka Man.
Naging vocal kasi ang boyfriend n’yang aktor na never ito nagselos sa tandem nila ni David.
Nasabi rin nito na malaki ang tiwala nila ni Barbie sa isa’t isa kaya naman nananatiling matatag at walang selosan sa kanilang relasyon.
Agree naman dito ang aktres lalo na’t marami na raw s’yang pinagdaanan sa showbiz kaya hindi n’ya raw agad ibinibigay ang kanyang tiwala.
“Trust, oo…number one. Kahit naman ako, kahit hindi sa karelasyon, kahit sa tao, ang hirap akong ibigay ay trust,” lahad ni Barbie sa press people.
“Parang…having been in this business for 14 years, ang hirap ibigay ng trust kasi marami na akong napagdaanan,” pagpapatuloy pa n’ya.
“So, para ma-build namin ang matatag na trust sa isang relasyon, indestructible na s’ya.”
Natanong din s’ya kung paano naman nila ina-assure ang isa’t isa para wala talagang dapat pagselosan ang sino man sa kanila.
Dito nakaramdam si Barbie na papunta ang usapan sa pinagdududahang coolness ni Jak sa tandem nila ni David kaya inunahan na n’ya ito.
“Wala talaga, kasi every since nag-pick up ang BarDa [tawag sa love team nila ni David], sumikat ang BarDa, it has always been a question kung nagseselos ba [si Jak]. Hindi nga! Hahaha!” natatawang sabi n’ya.
Nauumay na raw s’yang sagutin ang tanong na ito na paulit-ulit na ibinabato sa kanila.
“So can we stop? Haha! Parang napapagod na ako sumagot,” pagpapatuloy pa n’ya.
“Hindi ko na alam kung paano iibahin ang wording, ’di ba, para iba naman sa video na ito, iba naman sa video na ito. Kasi parang ’yon ’yong laging tanong. E, wala nga at all,” natatawang diin n’ya.
Hindi nga raw naka-guwardiya si Jak sa kanya. Nagtatanong lang daw ito para masigurong okey s’ya habang nagti-taping.
“Siguro ang assurance na tinatanong n’ya sa akin sa set is kung nakakain ba ako, kung hindi ba ako natutuyuan ng pawis. ’Yong ganu’n, ’yong care,” pagbabahagi ng Kapuso Primetime Princess.
“Selos? Wala talaga. D’yos ko! Pareho kaming aktor. Alam na namin ’yan,” pagtitiyak pa n’ya.
Ni wala nga raw silang restrictions sa isa’t isa pagdating sa trabaho kesehodang makipag-kissing scene sila sa ibang mga artista.
“Yes, that’s right because naging magkarelasyon kami parehas na kaming may pinapangalagaang image at reputation,” she said.
“Naging malinaw sa amin na pagdating sa karera walang pakialamanan, pagdating sa trabaho walang pakialamanan,” pagpapatuloy ni Barbie.
S’ya rin daw ang nagpapasya sa kung anong gusto n’yang mangyari sa kanyang karera, at wala raw sey si Jak doon.
“Ako, I know what I want. Alam ko kung anong career path ang gusto ko so alam ko kung anong dapat kung gawin. Hindi ko kailangan ng boyfriend para magsabi sa akin kung anong dapat kung gawin,” diin ni Barbie.
Even so, masaya raw s’ya na suportado ng boyfriend n’ya ang kanyang mga desisyon, at ganu’n din daw s’ya rito.
“I think, napakalaking bagay lang na very supportive kami sa isa’t isa,” aniya.
At sa kabila ng pagiging walang pakialaman nila sa career ng isa’t isa, masasabi naman daw ni Barbie na si Jak na ang kanyang “the one.”
“Wala naman kasi akong ibang hinahanap because, like I said, I’m very secured with my relationship. Hindi naman ako naghahanap. So, yes. Safe to say, yes,” pagtatapos n’ya.
Samantala, mapapanood si Barbie kasama si David sa TV adaption ng 1991 romantic comedy action movie na Maging Sino Ka Man simula September 11 sa GMA Telebabad.
News
Ano nga ba ang Nagdala Kay BB Gandanghari Pauwi? Ang Nakakaantig na Dahilan Kung Bakit Siya Bumalik sa Pilipinas Para sa Mahal Niyang Ina
Emotional Homecoming: BB Gandanghari Returns to the Philippines for Mommy Eva Cariño Padilla In a deeply moving turn of events,…
Cristy Fermin May NATUKLASAN sa DEMANDA ni Vic Sotto kay Darryl Yap dahil kay PEPSI PALOMA
Cristy Fermin Uncovers Shocking Details About Vic Sotto’s Alleged Lawsuit Against Darryl Yap Over Pepsi Paloma Controversy Veteran entertainment columnist…
Jinkee Pacquiao, Emosyonal Ng Dalawin Sa Selda Si Manny Pacquiao?
Jinkee Pacquiao, Emosyonal Ng Dalawin Sa Selda Si Manny Pacquiao? Humaharap ngayon sa matinding pagsubok ang professional boxer…
Kyline Alcantara Nagsalita Na Sa Gusot Nila Ni Sarah Lahbati Ayaw Sa Gumagamit?
Kyline Alcantara Nagsalita Na Sa Gusot Nila Ni Sarah Lahbati Ayaw Sa Gumagamit? Kasalukuyang mainit ang usapan sa ilang…
Sharon Cuneta Inaming Kahit Isang “Latang Gatas” Para Kay KC Wala Siyang Natanggap
Sharon Cuneta Inaming Kahit Isang “Latang Gatas” Para Kay KC Wala Siyang Natanggap Sa isang panayam kay Mega Star…
Zanjoe Marudo Di Matanggap Ang Ginawa Sa Anak Nila Ni Ria Atayde
Zanjoe Marudo Di Matanggap Ang Ginawa Sa Anak Nila Ni Ria Atayde Hindi napigilan ni Zanjoe Marudo ang kanyang damdamin…
End of content
No more pages to load