Faith Da Silva, 20, neither confirms nor denies relationship with Albert Marti
NILANTAD NA! FAITH Da Silva, INAMIN NA ang RELASYON nila ni ALBERT Martinez!
Faith Da Silva on rumors about her and veteran actor Albert Martinez: “Napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang. Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan.”
Walang paligoy-ligoy na tinanong nina Boobay at Super Tekla kay Faith Da Silva, 20, ang tunay na estado ng relasyon nito kay Albert Martinez, 60.
Pero walang itinanggi o inamin ang anak ng 48-year-old actor na si Dennis Da Silva, na nagdurusa sa bilangguan ngayon dahil nahatulang guilty sa kasong rape at child abuse.
Si Faith ang naging bisita sa The Boobay and Tekla Show, ang comedy-talk show ng GMA-7, nitong Linggo ng gabi, September 26.
Inusisa sa kanya ang matagal nang napapabalitang ugnayan nila ni Albert, na kasama niya sa Las Hermanas, ang upcoming drama series ng Kapuso Network.
Sagot ni Faith: “Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa.
“Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me.
“Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, e, ganoon makitungo sa akin.”
AGE DOES NOT MATTER
Apatnapung (40) taon ang agwat ng mga edad nina Albert at Faith, pero halos magkasunod ang kanilang mga kaarawan.
Isinilang si Albert noong April 19, 1961.
April 29, 2001 naman ang araw ng kapanganakan ni Faith, na may malaking pagkakahawig kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at nangangarap ding maging beauty queen sa tamang panahon.
Nang tanungin kung posibleng magmahal siya ng lalakeng mas matanda sa kanya, makahulugan ang sagot ni Faith.
Aniya, “For me, walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta maramdaman mo na totoo yung nararamdaman mo sa tao.
“Regardless of the age, kahit anong bagay ‘yan, basta mahal ninyo ang isa’t isa, wala kayong tinatapakang tao, e, go lang ‘yan!”
WORKING TOGETHER IN LAS HERMANAS
Nagsimulang maugnay sa isa’t isa sina Albert at Faith nang magkasama sila sa lock-in taping ng Las Hermanas.
Sinabi ni Faith na napag-usapan nila ni Albert ang mga tsismis tungkol sa kanila pero hindi ito seryoso.
Lahad ng Kapuso newcomer, “Nag-usap kami. Napag-usapan namin pero in passing lang.
“Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang.
“Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan.
“The fact na nakikita ng mga tao na okay ang chemistry namin together, I think yun ang mas importante sa amin.”
Matunog na “Direk Albert” ang tawag ni Faith sa veteran actor.
Biyudo na si Albert dahil pumanaw ang kanyang misis na si Liezl Martinez noong March 14, 2015 kaya malayang-malaya itong muling magmahal at makipagrelasyon.
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
News
Ano nga ba ang Nagdala Kay BB Gandanghari Pauwi? Ang Nakakaantig na Dahilan Kung Bakit Siya Bumalik sa Pilipinas Para sa Mahal Niyang Ina
Emotional Homecoming: BB Gandanghari Returns to the Philippines for Mommy Eva Cariño Padilla In a deeply moving turn of events,…
Cristy Fermin May NATUKLASAN sa DEMANDA ni Vic Sotto kay Darryl Yap dahil kay PEPSI PALOMA
Cristy Fermin Uncovers Shocking Details About Vic Sotto’s Alleged Lawsuit Against Darryl Yap Over Pepsi Paloma Controversy Veteran entertainment columnist…
Jinkee Pacquiao, Emosyonal Ng Dalawin Sa Selda Si Manny Pacquiao?
Jinkee Pacquiao, Emosyonal Ng Dalawin Sa Selda Si Manny Pacquiao? Humaharap ngayon sa matinding pagsubok ang professional boxer…
Kyline Alcantara Nagsalita Na Sa Gusot Nila Ni Sarah Lahbati Ayaw Sa Gumagamit?
Kyline Alcantara Nagsalita Na Sa Gusot Nila Ni Sarah Lahbati Ayaw Sa Gumagamit? Kasalukuyang mainit ang usapan sa ilang…
Sharon Cuneta Inaming Kahit Isang “Latang Gatas” Para Kay KC Wala Siyang Natanggap
Sharon Cuneta Inaming Kahit Isang “Latang Gatas” Para Kay KC Wala Siyang Natanggap Sa isang panayam kay Mega Star…
Zanjoe Marudo Di Matanggap Ang Ginawa Sa Anak Nila Ni Ria Atayde
Zanjoe Marudo Di Matanggap Ang Ginawa Sa Anak Nila Ni Ria Atayde Hindi napigilan ni Zanjoe Marudo ang kanyang damdamin…
End of content
No more pages to load