Mag-inang Nora Aunor, Matet De Leon, nagkita sa party ni John Rendez; nagkaayos na ba?
Ibinahagi ng singer na si John Rendez na nagkita at nagkausap na ang mag-inang Nora Aunor at Matet De Leon sa kaniyang idinaos na birthday party kamakailan lamang.
Mapapanood sa part 2 ng kaniyang birthday vlog ang pagkikita ng mag-inang nagkatampuhan dahil sa negosyong gourmet tinapa at tuyo.
Inakusahan ni Matet si Ate Guy na ginaya ang kanilang negosyong gourmet tinapa at tuyo, na inulan ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, lalo na sa Noranians o tawag sa avid fans ng kaniyang inang Superstar.
Nagpa-interview pa si Matet kay showbiz insider Ogie Diaz upang ipaliwanag ang kaniyang panig. Aniya, mukhang malabong magkaayos pa sila ng ina dahil sa malalim na tampuhan nila.
Kaya naman tuwang-tuwa ang mga netizen nang makitang magkasama na ang mag-ina at tila nagkausap na.
Makikitang sabay pang pumasok sa loob ng bahay ni Rendez ang mag-ina habang magkahawak-kamay, kasama pa ang anak ni Matet.
Pagbubunyag ni Rendez, tinext daw ni Ate Guy si Matet noong Bagong Taon at tila nagkapatawaran na.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
“Napaiyak po ako ng mapanood ko po ito. Prayers answered thank you po Lord! Yan ang isa sa mga itinuro ni Ate Guy sa mga anak niya na nasabi ni Lotlot sa interview sa kaniya. Sana naman wag na bigyan ng anumang pangit na mga comments. Happy na si Ate Guy na ok na silang mag-ina. Love you Ate Guy and Matet.”
“Salamat at nagkausap na ang mag-ina. Alam naman nating lahat na mahal na mahal ni Matet at Mommy Guy ang isa’t isa.”
“Good news po ito sa Noranians. Normal naman ang magkatampuhan sa pamilya, pero at the end of the day, blood is thicker than water pa rin. Hindi man kadugo si Matet, pinalaki at itinuring siyang anak ni Ate Guy.”
“Salamat sa Diyos at okay nang muli sina Ate Guy at Matet… tampuhang mag-ina lamang talaga ang namagitan sa kanila… si Matet nagtampong anak lang… ang problema eh pareho silang celebrity.”
Samantala, wala pang paglilinaw o kumpirmasyon mula kay Matet o Ate Guy tungkol dito.
News
A Moment of Pride for Marian Rivera and Dingdong Dantes as Zia Dantes Triumphs Over the Competition /npn
A Moment of Pride for Marian Rivera and Dingdong Dantes as Zia Dantes Triumphs Over the Competition In a heartwarming…
Sanya Lopez SPEAKS OUT, Claims Barbie Forteza BETRAYED Jak Roberto in CHEATING Scandal! /npn
In a dramatic turn of events, actress Sanya Lopez has made explosive claims that her fellow celebrity Barbie Forteza was…
KC Concepcion Tells Mom To “Wake Up” After Sharon Posts About “Sweet, Glorious Sleep” /npn
KC Concepcion Jokingly Urged Mom Sharon Cuneta To Wake Up KC CONCEPCION – Actress KC Concepcion jokingly told her mom…
SHOCK: Sunshine Cruz reveals the nightmare on her honeymoon, the violence that led to the breakup of her marriage: “Kinailangan kong tiisin ang mga bagyo na nagpalala sa aking sikolohiya.” /npn
EXCLUSIVE: Sunshine Cruz reveals honeymoon nightmare, abuse leading to marriage breakdown Sunshine Cruz on wedding to Cesar Montano: “I was…
HOT: Kathryn Bernardo has confirmed her relationship status with Alden Richards, fans are so surprised. /npn
Nilinaw ni Alden Richards ang tsismis na nililigawan niya si Kathryn Bernardo Nagsalita si Alden Richards tungkol sa koneksyon nila…
Kris Aquino Finalizes Last ‘Financial Settlement’ with Ex-Husband James Yap. What Shocking Amount Will He Provide for Bimby’s Upbringing? /npn
A WEEK before her 42nd birthday, Queen of All Media Kris Aquino is feeling blue. On her official Twitter account,…
End of content
No more pages to load