Roberto on Barbie & David’s Team: No Selos

Proud na ibinida ng Kapuso actor na si Jak Roberto na going strong ang relasyon nila ng kasintahang si Barbie Forteza.
Anim na taon nang magkarelasyon ang dalawa, at masaya raw si Jak na nagsusuportahan sila ni Barbie sa gusto at pangarap ng bawat isa.
Saad niya, “Ayun, happy naman and sobrang supportive ni Madam [Barbie] every time talaga na magkasama kami sa show, sa lahat.
“Happy rin ako for her, support-support lang sa lahat ng achievements and marami kaming nilu-look forward ngayong darating na taon.”
Ito ang ibinahagi ni Jak nang eksklusibo siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Gala 2023 noong July 22.
Ayon pa sa Kapuso actor, very proud siya kay Barbie sa achievements na nakakamit nito ngayon, maging ang successful love team ng aktres kay David Licauco.
Hindi kaila na ang love team nina Barbie at David, na mas kilala sa tawag na BarDa, ang isa sa mga tambalang kinahuhumalingan ngayon ng publiko.
Ito’y dahil sa chemistry na nabuo nila nang magkapareha sila sa Maria Clara at Ibarra, ang top-rating primetime series ng GMA-7.
Mapapanood muli sila sa upcoming TV adaptation ng 1991 movie na Maging Sino Ka Man.
Dahil sa madalas na pagsasama nina Barbie at David, may pagkakataon bang nagseselos si Jak?
Sagot ni Jak sa PEP.ph, “Walang selos, go lang! Professional lang tayo, trabaho lang.”
Wala raw kaso kay Jak na may ibang ka-love team ang kanyang nobya dahil parte iyon ng kanilang trabaho bilang celebrities.
Maaaring ang fans daw niya ang madalas naaapektuhan, ngunit siya kailanman ay hindi minasama at pinersonal ang pagtatambal nina Barbie at David.
Aniya, “Nakakatuwa nga lahat nung mga fans. Minsan nagte-trending ako sa Twitter [nang] hindi ko alam. Basta sasabihin lang sa akin, ‘Huy, trending ka sa Twitter.’ Sabi ko, ‘Bakit?’
“I’m thankful na successful silang dalawa and maganda yung pagtanggap ng tao sa love team ng BarDa, and ako rin ay sumusuporta rin sa dalawa.
“So, yung mga tao na yung nagre-react for me, sila na yung mas affected.
“Sobrang touched naman ako [dahil] maraming nagmamahal sa akin.
“So, guys, I love you too.”
JAK AS A BOYFRIEND
Kay Barbie na mismo nanggaling na “napaka-understanding at very supportive” ni Jak pagdating sa kanyang showbiz career.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Barbie noong January 28, 2023, sinabi ng aktres na malaki ang pasasalamat niya dahil hindi selosong tao si Jak.
Hindi na rin daw niya kailangang bigyan ito ng assurance dahil malaki ang tiwala sa kanya ni Jak
Ani Barbie, “Actually, bigla akong napaisip kasi, oo nga, I never needed to assure him. Parang, ever since, malaki naman talaga ang tiwala sa akin ni Jak pagdating sa mga ganyang bagay.
“Hindi ko kinailangan na parang patunayan na pagkatiwalaan mo ako. He just understands everything.
“Very patient… naiintindihan kasi ni Jak yung trabaho kasi ganito rin ang trabaho niya. So I’m just lucky to have him.”
Pagbubunyag pa ni Barbie, kailanman ay hindi niya naramdamang nagseselos si Jak at kung sakali man, pa-cute at pahaging na selos lang ang ipinaparamdam nito sa kanya.
Saad niya, “Mga pa-cute na selos. Yung mga pa-tweetums lang kasi naghahanap ng cuddle, pero nothing serious.”
News
This is why women are drawn to Paolo Contis: He has a unique charm and is more captivating than Mark Anthony Fernandez – Discover the real reason behind his popularity with women./LO
Kaya Habulin ng Babae si Paolo Contis: May Bolitas at Mas Mahaba ang Size Kaysa kay Mark Anthony Fernandez –…
David Licauco shockingly reveals: “I don’t like Barbie Forteza” – is Barbie’s sudden switch to someone new proof she never liked him? fans are dying to know the truth!
David Licauco: ‘I Don’t Like Barbie Forteza’ – A Purely Professional Partnership: Ipinagpalit ni Barbie Forteza na Bago Hindi Pala…
Nadurog ang puso ni Valerie Conception nang subukan ng kanyang anak na gawin ito, tingnan sa ibaba…../LO
Nadurog ang puso ni Valerie Conception nang subukan ng kanyang anak na gawin ito, tingnan sa ibaba….. Nadurog ang Puso…
Mark Anthony fernandez breaks his silence on the explosive viral scandal, reveals his friends may have hacked him and leaked the shocking $3x video! /LO
Mark Anthony Fernandez Nagsalita Na Sa Viral Video Nito, Lilinawin Ko Na! Ang viral na video ni Mark Anthony Fernandez…
SHOCKING VIDEO: Janine Gutierrez reveals the “intense” scene in Lavender Fields with Jericho Rosales, leaving fans blushing and buzzing with curiosity about the complicated dynamic between the two!/lo
Janine Gutierrez On One Thing She Learned About Jericho Rosales Janine Gutierrez said that ‘Lavender Fields’ helped her and Jericho…
EXPLOSIVE REVEAL: Matet De Leon drops a bombshell, claiming Nora Aunor refused to lend her money! The shocking revelation exposes a deep rift in their once-close mother-daughter bond, leaving fans in disbelief and craving more details./lo
Muling may isiniwalat si Matet De Leon hinggil sa kanyang adoptive mother na si Nora Aunor. Ayon sa video na…
End of content
No more pages to load