Barbie Forteza, Jak Roberto biktima ng sumpa ng ‘7-year itch’, David damay?

Barbie Forteza, Jak Roberto at David Licauco
HINDI maiiwasang madamay si David Licauco sa paghihiwalay ng ex-Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Pumatok ang loveteam nina Barbie at David na BarDa sa mga manonood, na huling napanood sa katatapos lamang na Kapuso drama series na “Pulang Araw” kasama sina Alden Richards at Sanya Lopez.
Kagabi, kinumpirma ni Barbie na hiwalay na sila ng kanyang longtime-boyfriend na si Jak sa pamamagitan ng isang official statement sa kanyang Instagram page.
Tumagal din ng pitong taon ang kanilang relasyon. Walang binanggit na dahilan ang Kapuso star kung bakit bigla na lamang nilang tinapos ng aktor ang kanilang relasyon.
Baka Bet Mo: Ivana game pumasok sa PBB: Lahat gagawin ko as a housemate, ayaw kong may special treatment
Nag-post ang dalaga ng ilang litrato nila ni Jak kalakip ang kanyang mensahe kung saan pormal na nga siyang nagpaalam sa aktor.
“’Don’t cry because it’s over. Smile because it happened – Dr. Seuss,’” ang simulang caption ni Barbie sa kanyang IG post.
“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.
“Your love was exceptional. But sometimes, good things fall apart so better things can come together. Beautiful goodbye, @jakroberto.
“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.
“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest,” ang kabuuang mensahe ng “Pulang Araw” star.
Sa official Facebook page ng BANDERA, iba-iba ang reaksyon ng ating mga loyal readers. May mga nagsabing hindi talaga itinadhana sa isa’t isa ang former couple habang ang ilan naman ay naniniwala na selos ang dahilan ng kanilang breakup.
Narito ang ilan sa mga comments ng ating mga ka-BANDERA.
“Naalala ko yun issue ni Jak Roberto noon na naging clingy siya sa babaeng itinambal sa kanya. Recently lang merong issue si Jak na humaharot (raw) hindi lang gaano naging matunog ang issue kasi hindi naman ganon kasikat yung lalaki.”
“Si Barbie Forteza po ay napakaloyal kay Jak, sa mga kissing scene pa lamang ayaw ni Barbie ng totoo. Sa post ni barbie parang ang ibig niya sabihin ay Hindi pa siguro nahahanap ni Jak kay Barbie ang love na deserve (raw) niya kaya naghanap ng iba.”
“Pero ayaw ko mag judge pa rin nang husto. Sila lang nakakaalam ng totoo. Siguro sa banda banda riyan, lalabas din ang totoong dahilan ng hiwalayan.”
“Hindi na kinaya ni Jak selos.”
“Buena mano ng 2025! Next please.”
“Pero sa hula pregnancy this year si barbie break up pala.”
“Ibig sabihin di deserve ni Jack àng love ni Barbie. May ibig sabihin si Barbie….”
“In love n yta c barbie ky david tsk.”
“Hindi ganyang babae si barbie.”
“My ibig sabihin ba barbie di deserve ni Jak Ang love mo or Myron na talaga sa Inyo nangaliwa kasi palagi kasama mo yong kaloveteam mo ..eh at sweet tlga kayo di kinaya na ni Jak..hmmm.”
“Haysst simula nong mag break ang KATHNIEL wala na kaming paki sa mga naghihiwalay. Well deserved.”
“David Licauco pasok!!!”
“7 years itch….lagi hiwalay pagdating ng 7th year.”
News
This is why women are drawn to Paolo Contis: He has a unique charm and is more captivating than Mark Anthony Fernandez – Discover the real reason behind his popularity with women./LO
Kaya Habulin ng Babae si Paolo Contis: May Bolitas at Mas Mahaba ang Size Kaysa kay Mark Anthony Fernandez –…
David Licauco shockingly reveals: “I don’t like Barbie Forteza” – is Barbie’s sudden switch to someone new proof she never liked him? fans are dying to know the truth!
David Licauco: ‘I Don’t Like Barbie Forteza’ – A Purely Professional Partnership: Ipinagpalit ni Barbie Forteza na Bago Hindi Pala…
Nadurog ang puso ni Valerie Conception nang subukan ng kanyang anak na gawin ito, tingnan sa ibaba…../LO
Nadurog ang puso ni Valerie Conception nang subukan ng kanyang anak na gawin ito, tingnan sa ibaba….. Nadurog ang Puso…
Mark Anthony fernandez breaks his silence on the explosive viral scandal, reveals his friends may have hacked him and leaked the shocking $3x video! /LO
Mark Anthony Fernandez Nagsalita Na Sa Viral Video Nito, Lilinawin Ko Na! Ang viral na video ni Mark Anthony Fernandez…
SHOCKING VIDEO: Janine Gutierrez reveals the “intense” scene in Lavender Fields with Jericho Rosales, leaving fans blushing and buzzing with curiosity about the complicated dynamic between the two!/lo
Janine Gutierrez On One Thing She Learned About Jericho Rosales Janine Gutierrez said that ‘Lavender Fields’ helped her and Jericho…
EXPLOSIVE REVEAL: Matet De Leon drops a bombshell, claiming Nora Aunor refused to lend her money! The shocking revelation exposes a deep rift in their once-close mother-daughter bond, leaving fans in disbelief and craving more details./lo
Muling may isiniwalat si Matet De Leon hinggil sa kanyang adoptive mother na si Nora Aunor. Ayon sa video na…
End of content
No more pages to load