Dingdong Dantes, Itinangging May Love Child Sila Ni Lindsay De Vera
Sa wakas ay nagbigay na ng pahayag ang TV-Host actor na si Dingdong Dantes patungkol sa hindi nawawalang isyu sa pagkakaroon nila ng anak ng aktres na si Lindsay De Vera.
Sa kamakailang panayam kay Dingdong Dantes sa Fast Talk With Boy Abunda, nitong May 9, 2024 tuluyan na niyang tinuldukan ang mga bali-balitang ito upang matigil na rin.
Matatandaan na muli na namang nabuksan ang isyu ng pagkakaroon ng anak nina Lindsay De Vera at Dingdong Dantes nang kumalat ang mga larawan kung saan makikitang may kasamang bata si Lindsay De Vera na sinasabing kahawig ni Dingdong Dantes.
Samantala sa nasabing panayam, hayagang tinanong ni Boy Abunda si Dingdong Dantes patungkol sa isyu nila ni Lindsay De Vera. Kung totoo nga bang nagkaroon sila ng anak ni Lindsay De Vera na matagal na nilang itinatago sa publiko.
Kaagad naman itong sinagot ni Dingdong Dantes kung saan pinasinungalingan niya ang isyung nagkaroon sila ng relasyon ni Lindsay De Vera at nagkaroon pa sila ng anak.
Inamin rin ni Dingdong Dantes, na talagang nagdalawang-isip siya sa pagpunta sa panayam ni Boy Abunda dahil alam niyang kabilang sa mga maitatanong sa kanya ang pagkakaroon nila ng relasyon noon ni Lindsay at ang tinatago nilang anak.
Ayon kay Dingdong Dantes, nagdalawang-isip siya kung sasagutin ba niya ang isyu sa pagitan nila ni Lindsay De Vera. Subalit, naisip umano ni Dingdong Dantes na panahon na rin para linawin ang isyu dahil may mga kaibigan na rin siyang tumatawag sa kanya at nagtatanong sa isyu.
“Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa akin na mga kaibigan, mga kamag-anak, yung mga nagmamalasakit po sa akin, and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay—responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang-mahalaga po ang aspetong ito para sa akin,” pag-amin ni Dingdong Dantes.
Inamin pa ni Dingdong Dantes na noong una ay pinagtatawanan lamang nila ni Marian Rivera ang kumakalat na isyu sa pagitan nila ni Lindsay De Vera.
Subalit, dumating na rin sila sa punto na marami na ang nakakapanood sa mga balita na nagtatanong sa kanya kaya medyo nabahala na rin siya lalo na’t lumalaki na ang kanyang anak.
Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Dingdong Dantes na hindi niya alam kung bakit hindi matigil-tigil ang isyung ito laban sa kanya.
Sa ngayon, hiling ni Dingdong Dantes na sana ay maging malinaw na ang lahat ngayon nagbigay na siya ng pahayag.
News
Ano nga ba ang Nagdala Kay BB Gandanghari Pauwi? Ang Nakakaantig na Dahilan Kung Bakit Siya Bumalik sa Pilipinas Para sa Mahal Niyang Ina
Emotional Homecoming: BB Gandanghari Returns to the Philippines for Mommy Eva Cariño Padilla In a deeply moving turn of events,…
Cristy Fermin May NATUKLASAN sa DEMANDA ni Vic Sotto kay Darryl Yap dahil kay PEPSI PALOMA
Cristy Fermin Uncovers Shocking Details About Vic Sotto’s Alleged Lawsuit Against Darryl Yap Over Pepsi Paloma Controversy Veteran entertainment columnist…
Jinkee Pacquiao, Emosyonal Ng Dalawin Sa Selda Si Manny Pacquiao?
Jinkee Pacquiao, Emosyonal Ng Dalawin Sa Selda Si Manny Pacquiao? Humaharap ngayon sa matinding pagsubok ang professional boxer…
Kyline Alcantara Nagsalita Na Sa Gusot Nila Ni Sarah Lahbati Ayaw Sa Gumagamit?
Kyline Alcantara Nagsalita Na Sa Gusot Nila Ni Sarah Lahbati Ayaw Sa Gumagamit? Kasalukuyang mainit ang usapan sa ilang…
Sharon Cuneta Inaming Kahit Isang “Latang Gatas” Para Kay KC Wala Siyang Natanggap
Sharon Cuneta Inaming Kahit Isang “Latang Gatas” Para Kay KC Wala Siyang Natanggap Sa isang panayam kay Mega Star…
Zanjoe Marudo Di Matanggap Ang Ginawa Sa Anak Nila Ni Ria Atayde
Zanjoe Marudo Di Matanggap Ang Ginawa Sa Anak Nila Ni Ria Atayde Hindi napigilan ni Zanjoe Marudo ang kanyang damdamin…
End of content
No more pages to load